Enzo Pineda natawa sa gender isyu

HANGGANG ngayon ay hindi naniniwala si Enzo Pineda na siya na ang susunod na ibi-build up ng GMA-7.

Ayon pa sa binata, wala pa raw siyang alam sa mga naka-line-up na project ng GMA 7 para sa kanya. Ang alam niya ay kasama siya sa launching movie nina Elmo Maga-lona at Julie na One Summer.

Anyway, plano pa ni Enzo na pagandahin ang katawan. Na-inspire siya kasi sa magandang kinalabasan ng picture niya at centrefold exposure na lumabas sa isang magazine.

Napagtanto niya na puwede pala siya magpakita ng katawan na maganda ang kalalabasan at hindi bastos ang dating.

Sa tanong kung handa na ba siyang magpa-pictorial ng all-the way? Kaagad na sagot niya ay hindi raw puwede sa pag-aalalang baka magalit ang mga magulang at nagma-manage ng kanyang career.

Maging ang pagtanggap ng gay roles at sexy scenes sa mga indie films ay hindi pa raw niya kayang gawin.

Napangiti na lang si Enzo sa tsikang kaya ayaw niyang tumanggap ng gay roles ay baka maungkat lang uli ang isyu sa kanyang gender.

Sabi naman ni Enzo, wala raw siyang dapat patunayan dahil hindi naman totoo at hindi siya apektado.

Ang napababalitang girlfriend niya na si Louise delos Reyes raw ang nagagalit sa isyung ito para sa kanya.

****

NASA bansa na si Kris Aquino matapos ang bakasyon nito kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Baby James sa USA.

Habang wala si Kris ay maraming isyu sa kanya na naghihintay ng kasagutan. Isa na riyan ang espekulasyong lumabas na kanyang inilakad daw diumano ang pagkakapanalo ng leading man niyang si Dingdong Dantes para manalong Best Actor sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF).

May isyu ring kinausap diumano niya si Marichu Maceda na member ng executive committee ng MMFF para manalo si Dingdong pero tinanggihan daw ito ni Manay Ichu.

Bukod dito, may alegasyon din na siya diumano ang nasa likod sa pananabotahe sa Asiong Salonga Story sa unang araw ng MMFF dahil hindi natapos ang printing ng movie sa SQ Laboratories.

Maging ang bida ng Asiong Salonga na si Gov. ER Ejercito ay nakapagsalita sa isyu at pinuna nito ang naging pahayag ni Kris about Dingdong Dantes na kapag hindi ito nanalo sa awards night ay dapat magwala sa gabi ng okasyon.

Ngayong nandito na si Kris, hopefully ay maklaro nang lahat ito. And knowing her naman na kapag tinanong ay kaagad naman itong nagbibigay ng pahayag kapag may isyung kinahaharap.

Isa pang isyu na dapat sagutin ni Kris ay kung tutuparin ba niya ang binitiwang pangako sa mga entertainment press na dumalo noon sa presscon ng Segunda Mano na kapag umabot sa P150 million or more ang kita sa takilya ng movie nila ni Dingdong ay bibigyan niya ng tig-isang push cart na puno ng laman ng mga endorsement niya ang lahat ng press na imbitado sa ginanap na presscon?

****

VERY active ang showbiz career ngayon ni Lovi Poe kaya kaliwa`t kanan ang project sa TV at maging sa pelikula.

Pero how true na sa interview ni Chavit Singson, ama ng boyfriend niyang si Ronald Singson, na going strong ang relationship ng actress sa anak na nakakulong sa Hong Kong dahil sa pagdadala ng pinagbabawal na droga.

Nakatakda na kasing lumaya si Ronald sa kulungan this month. Kaya tanong kay Lovi ay kung sasalubungin ba niya ang boyfriend?

May lumabas kasing interview kay Lovi noon na nagsasabing nakipag-break na ito kay Ronald dahil pinalaya na siya ng anak ni Chavit Singson. Nandoong may lumabas pa na wala nang balak makipagbalikan diumano si Lovi sa binata ni Chavit.

Samantala, recently ay may interview si Chavit na nagbulgar na still going strong pa rin ang relasyon ng anak at ni Lovi.

Ang tanong, magawa kayang i-deny ni Lovi ang sinabi ng ama ng dating boyfriend na si Ronald?

Presscon bukas ng “Legacy,” na isa mga lead female cast kasama si Lovi. Siguradong puputaktihin siya ng tanong ng press about Ronald Singson.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply