Epektibo nga ba si PNoy sa 2012?

NEGOSYO – Ang isa sa mga dapat na ipagpasalamat natin kay Pang. Noynoy Aquino ay ang pagsusulong nito ng mga programa na tumututol sa red tape sa proseso ng pagrehistro ng negosyo.

Isa sa pinangunahan ni PNoy ay ang paglulunsad ng Philippine Business Registry System (PBRS) sa Makati City na panigurado sa madaling pagrehistro ng kanilang mga kabuhayan. Sa ilalim kasi ng computerized system, magkakaroon ng koneksyon ang ilang ahensya ng pamahalaan para sa pagpaparehistro ng mga negosyante kahit wala ang kanilang presensiya.

BILANGGUAN – Kapuri-puri ang pagbisita ni PNoy sa New Bilibid Prison (NBP) bilang bahagi ng paglulunsad ng 10 taon na 2022 Road Map and Stakeholders Fellowship ng Bureau of Correction sa NBP Reservation  sa Muntinlupa City o ang pagreporma sa sistema ng kulungan sa bansa. Sa pagbisita ni PNoy ay tinuldukan nito ang mga maliligayang araw  para sa  mga VIP Treatment. Kabilang sa mga ipinangako ni PNoy sa BuCor ang konstruksyon ng bagong gusali sa iba’t ibang kulungan.

PIRATA – Tinuldukan din ni PNoy ang kampanya laban sa mga namimirata ng mga pirated DVD, CD at iba pa. Tiniyak nito na walang sinoman ang ‘untouchable’sa kanyang mga Gabinete.

PRESS – Patuloy na hinahanapan ng solusyon ng administrasyong Aquino ang iba’t ibang karahasan laban sa mga mamamahayag.

KASO – Tiniyak din ni PNoy na maipakukulong ang lahat ng mga nagnakaw sa kaban ng bayan sa nakalipas na administrasyon.

IMPEACHMENT – Nabigo ang depensa ni SC chief Justice Renato Corona na makontra ang kahit isang ebidensya ng prosekusyon laban sa punong mahistrado. Wala kasing ginawa ang depensa sa pangunguna ni ret. SC Associate Justice Serafin Cuevas kundi maghain ng mosyon.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply