Epekto ng fish ban sa tamban ramdam na

ILANG kompanya ng sardinas ang nagpatupad ng price increase kasunod na rin ng pisong pagtaas sa presyo ng sardinas sa mga pamilihan.

Mananatili ang paghihigpit sa panghuhuli ng isdang tamban hanggang katapusan ng Pebrero upang bigyan daan ang pangingitlog ng mga isdang tamban na siyang pangunahing sangkap sa paggawa ng sardinas.

Ayon kay Trade and Industry Undersecretary Zeny Maglaya, tatlong manufacturer ng sardinas ang nagpatupad na ng increase sa kanilang produkto at inaaasahang susunod na rin ang iba pang kompanya.

Pero, tiniyak ni Maglaya na sa oras na matapos ang ban inaasahang bababa na rin ang presyo ng sardinas sa pagsapit ng Marso.

Ang kakapusan ng isdang tamban ay nararamdaman na ng mga mangingisda sa iba’t ibang lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply