Escudero umaming nakipagkita kay PNoy

AMINADO si Senador Francis “Chiz” Escudero na nakipagkita siya kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong linggo pero itinanggi na iyon ay para kumbinsihin siyang bumoto laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona sa darating na impeachment trial.

Itinanggi rin ni Escudero ang alegasyon ni Atty. Serafin Cuevas na hinihikayat ng punong ehekutibo ang mga senador na tatayong hukom sa impeachment trial na bumoto laban sa punong mahistrado.

Paliwanag ni Escudero, magkaibigan sila ng Pangulo at ibang bagay ang kanilang mga pinag-usapan.

Maging si Budget Secretary Butch Abad ay dumipensa sa alegasyon ni Cuevas at sinabing inutusan ni PNoy ang kanyang gabinete na dumistansya sa senator-judges.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply