Espasyo sa session hall para sa prosekusyon kapos

HINDI lahat ng mga kongresista at miyembro ng prosekusyon ay makakapasok sa loob ng plenaryo ng Senado sa impeachment trial mamayang alas-2:00 ng hapon.

Ito ang kinumpirma ni Aurora Rep. Sonny Angara dahil na rin aniya sa kakapusan ng espasyo sa loob ng session hall.

Malamang aniya ay magpalitan na lamang ang may 58 na prosekusyon, na kinabibilangan ng 11 prosecutors at mga pribadong abogado na makakatuwang ng mga kongresista.

Samantala, ikinatuwa ng prosekusyon ang pagdalo ni Chief Justice Renato Corona sa paglilitis.

“Kung talagang gusto niyang (Corona) linisin ang kaniyang pangalan ay ito na ang tamang panahon,” ayon kay Angara.

Naunang kinumpirma ni dating Justice secretary Serafin Cuevas na dadalo ngayong hapon si Corona subalit wala aniyang katiyakan kung maisasalang na ngayong hapon ang punong mahistrado.

Ang prosecution team ay pinamumunuan ni Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr, at magiging katuwang niya ang mga abogadong sina Arthur D. Lim at Jose Justiniano.

Kasama rin sina Isabela Rep. Giorgidi Aggabao, Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas, Northern Samar Rep. Raul Daza, Akbayan Rep. Arlene J. Bag-ao,  Cibac Rep. Sherwin N. Tugna, Cavite Rep. Elpidio F. Barzaga Jr., Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali , Pangasinan Rep. Marlyn  Primicias-Agabas at Bayan Muna Rep. Neri  Colmenares.

Pangungunahan naman ni Atty. Mario Bautista ang pribadong prosecutors at katuwang ang mga abogado na sina Marlon Manuel, Magis Mendoza, Joeven Dellosa, Reagan de Guzman, Levy Ang, Jan Perry Eugenio, Peter Leo Mendiola, Marl Chester Ti, Jane Laarni Pichay, Esteban Y. Mendoza, Gilbert Viloria, Conrado Sarmiento, Michelle Ann Erum, Pedro Aquino, Mario Valderrama, Jenny Vi Buslig, Henedino Brondial, Rex G. Rico, Renato Samonte, Jr., Jose Luis Rey Munsayac, Manuel  M. Manuel, Max Banares Jr., Michael Millares, Ariel Radovan , Arjay Peralta, Harry  Roque Jr., Joel Butuyan, Roger  Rayel, Romel Bagares, Dexter Donne  Dizon, Allan Jones Lardizabal, Gilbert Andres, Federico Roxas II, Norma Singson-de Leon, Claro Mamaril, Vitaliano Aguirre II, Winston Ginez, Xerxes  Cortel, Clarence Jandoc, John  Roldan, Frederick Vallestero, Ernesto Viovicente, Vanessa Maguigad, Jovenio Evangelista, Cristina Yambot, Al Parreno, Emil Capulong, Cheryl Daytec, Janne Baterna, Ramon Te.Bodie Naval, Rosario Bautista, Daytec, Lauro Gacayan, Augusto Panlilio, Justiniano at Gregorio Batiller.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply