Estapador na bokal ng Bataan, kinasuhan

PAHAPYAW nating balikan itong estapador na Bokal ng Bataan na si Teri Onor na sa tunay na buhay ay si Dexter Dominguez na dating vice-mayor ng Abucay.

Alam ba ninyo na idinemanda ng negosyanteng si Renato Mariano si Bokal Onor ng kasong paglabag sa Batas Pambansa Bilang 22 o bounching check law at estafa? Ayon sa reklamo ni Mariano, noong Sept. 2007 ay personal na inalok niya si Bokal Onor ng ilang school books at iba pang mga babasahin na nagkakahalaga sa nasa P1,115,960.

Pumayag naman ang nasabing bokal sa inialok ng una na school books at iba pang mga babasahin.

In short, nagkasundo ang dalawa hanggang sa pinirmahan na ni Onor ang  purchase order nito noong Sept. 10, 2007.

Sa unang arangkada ay nag-isyu raw ng post dated check si Teri na nagkakahalaga ng P557,980. Siniguro ni Onor sa biktima na may pondo ang tseke nito.

Aba’y, nagulat na lamang ang complainant nang ipapalit na niya ang tsekeng inisyu ni Bokal Onor. “Closed account” na pala ang paggagamitan ng tseke.

Aray ko poooo….

Gayunman, bilang pagsunod sa prosesong ligal, nagawa pang pagbigyan ng complainant ang nasabing bokal at gumawa na lamang ito ng oral at written demand kay Bokal Onor para maisaayos ang pagbabayad sa talbog na tseke.

Upang masiguro na makasisingil ang una sa utang ni Onor ay siya mismo ang nagpunta sa opisina nito para ibigay ang isa pang demand letter na may date na Feb. 19, 2008 pero wala rin siyang nasingil sa huli.

Kung di nga lang daw maayos ang pakiusap ni Onor ay hindi sana siya pumayag na bayaran siya ng tseke ng nasabing bokal. (Itutuloy)

Anoman ang reklamo mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply