Estudyanteng dinukot sa Vigan nakatakas

MASUWERTENG nakaligtas ang isang estudyante sa kamay ng mga mandurukot makaraang tangayin siya sa loob mismo ng unibersidad sa Brgy. Tamag, Vigan City, Ilocos Sur.

Nabatid na nasa computer house sa University of Northern Philippines ang 14-anyos na estudyante na tinawag lamang sa pangalang “Maria” nang bigla na lamang nilapitan ng mga suspek.

Sapilitan umanong tinakpan ng panyo ang kanyang mukha hanggang sa tuluyang mawalan ng malay.

Nabatid pa na nang bumalik ang kanyang malay ay eksakto namang huminto ang sinasakyan nilang van upang bumili ng sigarilyo ang isa sa mga suspek.

Dito kumuha ng tiyempo ang biktima at bigla siyang tumalon mula sa sasakyan hanggang sa tuluyan niyang matakasan ang mga suspek.

Sa kasalukuyan ay masusing iniimbestigahan ng Vigan PNP ang pangyayari.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply