Etiketa sa food products gagawing mandatory

ISANG panukalang batas na naglalayong gawing mandatory ang paglalagay ng mga etiketa sa mga produktong pagkain na genetically modified organisms (GMO) upang matiyak ang seguridad at karapatan ng bawat mamimiling Filipino.

Ayon kay Rep. Teddy Casiño (Bayan Muna, Party list), ang isa sa may akda ng House Bill no. 5247, layunin ng panukala na ipaalam sa mga mamimili ang nilalaman ng kanilang binibili at kinakain.

Idinagdag pa ni Casiño na may mga kasong nadiskubre na ang genetically modified product ay nakapagdudulot ng malalang sakit sa katawan ng tao at maging sa kapaligiran.

Naiulat ang mga kasong contamination crops ay nadiskubre sa mga kabukiran na malapit sa lumalalang genetically engineered crops.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply