Ex-barangay official todas sa boga

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang isang dating barangay executive officer ng hindi pa kilalang suspek sa kanto ng Zobel Roxas Street at Oro B. Street sa Sta. Ana, Maynila.

Nabatid sa ulat na nakikipagkwentuhan lang ang biktimang si Ericson Gariando sa kasama nitong si Theresa Vilona nang lapitan at barilin ng isa sa dalawang hindi kilalang lalaki na agad tumakas.

Pitong tama ng bala sa noo, likod, dibdib at tagiliran ang naging sanhi ng pagkamatay ng biktima at hindi na ito umabot nang buhay sa Sta. Ana Hospital.

Hinihinalang may kinalaman sa trabaho ng biktima ang motibo sa naturang pagpatay. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply