Ex-Comelec chairman Abalos lumalala ang kondisyon

LUMALALA na ang kondisyong pangkalusugan ni dating Commission on Elections (Comelec) chairman Benjamin Abalos na kasalukuyang nakapiit sa Southern Police District (SPD).

Ito ang kinumpirma ngayon ng anak ni Abalos na si Arnold Abalos.

Ani Arnold, bedridden ang dating Comelec chief simula pa kagabi dahil nahihirapan itong huminga sanhi ng mahinang baga.

Bukod pa rito, aniya may ulcer din ang dating Comelec chair.

Ayon pa kay Arnold, kailangan ng sariwang hangin at exercise ng kanyang ama.

Pero sa kabila ng malalang kondisyon ng dating poll chief hindi pa rin
sila hihingi ng hospital treatment.

Una nang inihayag ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos na hindi
nakakatulog ang ama at ito ay nakararanas ng depresyon.

Si Abalos ay nahaharap sa kasong electoral sabotage.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply