Ex-con binoga sa batok, tigok

HABANG naghihintay ng “balato” sa mga naglalaro ng video karera, binaril nang malapitan sa batok ang isang 30-anyos na ex-convict sa Tondo, Maynila kagabi (Enero 26).

Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang napatay na si Dennis Ocampo, miyembro ng Commando Gang, at residnete ng Bldg. 33 Aroma,Temporar Housing, Vitas,Tondo, Maynila.

Sa isinagawang imbestiagsyon ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong 8:30 ng gabi sa ground floor ng nabanggit na gusali.

Base sa mga impormasyon na nakalap, naghihintay umano si Ocampo ng balato sa mga naglalaro ng video karera ng barilin ito ng suspek.

Takot namang magbigay ng iba pang detalye ang mga tao sa lugar tungkol sa kung sino ang responsable sa pagpatay sa biktima.

Ayon kay Layugan, napag-alaman na ang biktima ay labas masok sa bilangguan dahil sa mga kinasasangkutan nitong serye ng kasong robbery.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply