Ex-Cong. Ronald Singson nakalaya na

MATAPOS ang 18 buwang pagkakakulong sa Hong Kong dahil sa pagkakasangkot sa droga, uuwi na ngayon sa bansa si ex-Congressman Ronald Singson.

Ganap na 2:15 ngayong hapon, palabas na ng Hong Kong Immigration si Singson lulan ng private plane at inaasahang lalapag ito sa Laoag International Airport.

Dadaaan din sa proseso si Singson maging ang kanyang mga kasama, gaya ng quarantine at pagtatatak ng kanilang mga pasaporte.

Kasama ni Ronald ang kanyang ama na si dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson at ilang miyembro ng pamilya.

Matapos ang proseso sa Laoag International Airport lilipad ulit ang eroplano patungo naman sa Vigan Airport kung saan aabangan ang iba pa niyang kamag-anak.

Pagkatapos nito ay tutuloy naman sila sa Vigan Cathedral para sa isang thanksgiving mass at magkakaroon din ng thanksgiving dinner.

Todo naman ang paghahanda, pati na ang simbahan sa pagdating ni Singson.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply