Ex-Cong. Ronald Singson nasa Pinas na

DUMATING na sa bansa si dating Ilocos Sur Rep. Ronald Singson ngayong hapon.

Ganap na 3:50 ng hapon nang lumapag ang eroplanong sinakyan niya sa Laoag International Airport (LIA) mula sa Hong Kong.

Kasama ni Ronald dumating sa bansa ang amang si Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson.

Nabait sa ulat, na hindi na bumaba pa ang grupo ni Singson sa kanilang sinakyang private plane bagkus ay ang mga kinatawan ng customs, immigration at quarantine ang pumanhik sa eroplano upang isailalim ang mga sakay sa kinauukulang proseso.

Sinabi ni Paul Versosa, chief ng immigration, na masaya ang mag-amang Singson habang kausap ang mga kinatawan ng immigration at customs.

Ani Versosa, humiling ng “privacy” ang pamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply