Ex-Gapan mayor ipinadadampot sa kasong pagpatay

ANOMANG oras ay maaari nang dakpin si dating Gapan City Mayor Ernesto L. Natividad dahil sa kasong pagpatay base sa inilabas na warrant of arrest order ni Nueva Ecija Regional Trial Court-National Capital Judicial Court Branch 8 Judge Felixberto T. Olalia, Jr.

Pinirmahan ni Judge Olalia ang naturang order of arrest nitong Enero 25, 2012 laban sa dating alkalde ng nasabing siyudad sa Nueva Ecija.

Walang inirekomendang piyansa si Judge Olalia sa kanyang kautusan. Kasama rin sa kanyang ipinaaresto ang isang nagngangalang Romeo Natividad dahil sa kaso ng pagpatay.

Bago rito, isa ring resolusyon ang inilabas ng Office of the Ombudsman ang nagsasangkot kay Natividad at dalawa iba pa na sina Romeo at Ricardo Peralta sa kasong pagpatay sa magkapatid na Emerson at Ebertson Pascual sa Gapan Coliseum and Cockpit Arena sa Gapan City, Nueva Ecija taong 2006.

Sa naturang resolusyon, pinanigan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang isang mosyon ng nagrereklamong si Cristina D. Pascual, residente ng San Vicente, Gapan City, na humihingi sa pagbasura sa isang nauna nang kautusan ng tanggapan na may petsang Abril 8, 2009.

Dahil dito, iniutos ni Ombudsman Morales na agad na isama sa Information for murder sina Natividad, Romeo at Peralta.

Aprubado rin at muling pinagtibay ng Ombudsman ang Supplemental Resolution ng Department of Justice na may petsang Agosto 21, 2007 at

Review Action ng kanyang tanggapan na may petsang Pebrero 10, 2009.

Iginigiit ng mga respondent na dapat patunayang “beyond reasonable doubt” ang pagsasangkot sa naturang insidente.

Subalit sinopla ng resolusyon ni Morales ang iginigiit ng mga respondent.

Aniya, hindi okasyon ang preliminary investigation para patunayan ang “guilt,” tanging “probable cause” lamang ang hinahanap dito.

Nakasaad sa resolusyon na sa paglilitis lamang masasala ang testimonya at kredibilidad ng mga saksi.

Mababatid din sa resolusyon na ang preliminary investigation ay pag-alam lamang sa pangkalahatan at madalas na ito lamang ang tanging paraan para malaman kung sino-sino ang ihahabla sa krimen ng nakatokang tagausig ng estado.

Sinubukang kunan ng panig si ex-Mayor Natividad subalit hindi ito sumasagot sa text messages.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply