Ex-Marinduque congressman, bagong TRB chief

ITINALAGANG bagong hepe ng Toll Regulatory Board (TRB) si dating Marinduque Representative Edmund Reyes ayon sa Department of Transportation and Communication (DoTC).

Ayon kay DoTC secretary Mar Roxas, pormal na itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Reyes habang si Atty Pablo Roces Nava III naman ay kasapi ng board.
“These latest appointments are in line with the Department’s goal of infusing new blood and recruiting highly qualified executives to resolve the myriad policy and operational issues in our transport systems,” pahayag Secretary Roxas.

“They will be part of the core team in our line agencies that will help provide the people a convenient, safe and reliable mode of transport.”

Pinalitan ni Reyes si TRB executive director Manuel Imperial na nakatanggap ng masamang regalo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Sa kanyang unang araw ay nahaharap si Reyes sa tatlong petisyon tungkol  toll hike sa Star toll, Coastal road at SCTex kung saan nangakong agad na bibigyan ng aksiyon ang mga problema.

“Rest assured, itong January, aaksyunan natin ang dalawang concerns na yan,”  ani Reyes.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply