Ex-PBA pro lalaro sa ABL

MAGBABALIK sa basketball ang dating PBA pro forward na si Nic Belasco pero hindi sa pro league kundi sa Asean Basketball League (ABL).

Hindi rin sa Philippine team kundi sa koponan ng Kuala Lumpur Dragons ng Singapore mapapabilang si Belasco sa liga na magsisimula sa season opening sa Enero 14. Bukod kay Belasco ang dati ring PBA pro na sina Chris Pacana na naglaro sa Ginebra Gin Kings at ang mga import na sina Tiras Wade at Brian Williams ang makakasama niya.

Isang Pilipino strategist ang magiging head coach ng koponan sa katauhan ni Ariel Vanguardia na dating tumangan sa isang team sa FIBA Asia Championship na ginanap sa bansa noong Hunyo.

Unang masasabak ang Kuala Lumpur Dragons kontra sa San Miguel–Team Philippines sa Enero 14.

Ang RP Team na gagabayan ni dating PBA multi-titled import na si Bobby Parks ay sasandal kina Junmar Fajardo, Aldrech Ramos, Warren Ybañez at Rob Wainwright.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply