Expanded Rent Control Act isinulong sa Kamara

ISINULONG sa Kamara ang isang panukalang batas na naglalayong palawakin ang Republic Act 9653 o ang tinatawag na Rent Control Act of 2009 para maisama rito ang micro at small business enterprises.

Ang House Bill No. 5636 na iniakda ni Rep. Teddy Casiño (Bayan Muna Party-list) ang maglalagay ng pamantayan sa pagtaas ng mga paupa sa commercial spaces, ang isa na napakalaking gastusin sa negosyo.

Sa pamamagitan nito, sinabi ni Casiño mas malayang magugol ng maliliit na negosyante ang kanilang salapi para sa kanilang capital, labor at iba pang operational expenses kontra sa napakataas na paupa.

Idinagdag pa ni Casiño na lumitaw sa estatistika na may 780,437 business enterprises sa bansa, 99.6% dito ang micro, small at medium enterprises. Sa numerong ito, 91.4% ang micro enterprises at 8.2% ang small enterprises.

“Ang mga negosyong ito ang siyang malaking bahagi ng manufacturing at export sales ng bansa. Kailangan tulungan sila ng ating pamahalaan na i-extend ang tulong suporta para sa kanila,” wika ni Casino.

Sa panukalang batas na “Expanded Rent Control Act,” kasama dito ang “commercial spaces” sa ilalim ng Section 3; “Limit on Increases in Rent” sa ilalim ng Section 4 at Section 9.

Layunin ng panukala na amyendahan ang Sections 2, 3, 4, 5, 6, 9, 12,15 at 16 ng RA 9653.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply