Fake BIR employee, arestado sa pangingikil

ARESTADO ang isang nagpakilalang empleyado ng Bureau of Internationl Revenue (BIR) dahil sa pangingikil sa ilang mga negosyante sa Camarines Sur.

Nadakma sa isingawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek na si James Mangrobang, residente ng Roxas st., Caloocan City.

Si Mangrobang ay inireklamo ng isang Mary Ann Frial ng Salvacion, Iriga City,  isang accounting clerk sa isang gasolinahan sa bayan ng Pili, Camarines Sur.

Pilit umanong hinihingan ng suspek si Frial ng P20,000 dahil sa umano’y kakulangan nila ng papeles para sa Cosco at Power Fuels.

Nagkasundo naman ang dalawa sa halagang P15,000 dahil wala ang may-ari ng gasolinahan.

Subalit sa madalas ng pangigipit ng suspek ay nagduda na si Frial kaya agad na sumangguni ito sa opisina ng BIR upang kumpirmahin kung totoong empleyado ito.

Nang makumpirmang pekeng BIR employee ang suspek ay humingi agad ito ng tulong sa NBI upang madakip ito.

Nahaharap sa kasong robbery extortion at at usurpation of authority of official functions ang suspek na ngayo’y hawak na ng NBI. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply