Farmers, fishermen posibleng makinabang na sa fuel subsidy

UTOS ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay Interior Sec. Jesse Robredo na i-update siya sa listahan ng mga magsasaka at mangingisdang maaaring makinabang sa Pantawid Pasada Program ng DoE.

Noong nakaraang taon, hindi nakasama ang sektor ng agrikultura dahil hindi malinaw kung sino ang mga karapat-dapat na beneficiaries, hindi katulad sa nasa transport sector na madaling matukoy ang mga humahawak ng prangkisa.

Ani Pangulong Aquino, hiningi na siya kay Robredo ang imbentaryo ng ginawang paglilista ng mga nagmamay-ari ng farm machineries.

“So long as mapo-prove na entitled sila. ‘Yong pagdating doon sa fisher folks at saka sa ‘yong gumagamit ng farm machinery, umaasa tayo sa LGU pero ‘yong ‘pag… kasi ayaw natin naman magkaroon ng beneficiary ‘yong mga taong hindi kasama doon sa mga sektor na nabanggit mo. ‘Yong wala naman talagang national registry ‘nong operators or farm equipment so ‘yong LGU ang kailangang mag-imbentaryo. Matanong ko sa DILG nasaan na ba ’yong status ‘nong paglilista niya both for those ’yong farm operators at saka ‘yong mga mangingisda,” ani Pangulong Aquino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply