Fetus natagpuan sa Caloocan

NATAGPUAN ng isang residente ang isang fetus na itinapon sa isang bakanteng lote sa Solar Urban Subdivision sa Caloocan City kahapon (Enero 29), iniulat ngayon.

Inilagay sa loob ng isang plastic container ang nasabing fetus na nakabalot sa puting lampin bago itinapon sa naturang lugar.

Ayon sa residenteng si Johnny Sayson, mga bata ang unang nakakita sa fetus habang naglalaro malapit sa puno ng balete.

Batay sa rumespondeng barangay opisyal, katatapon lang umano ng fetus nang matagpuan.

May hinala ang mga awtoridad na nasa pagitan ng apat hanggang limang buwan ang fetus at napansin din na halos buo na ang mga kamay at paa nito.

Agad na dinala ang fetus sa simbahan para mabasbasan bago inilibing sa public cemetery sa Barangay Tala.

Patuloy namang pinaghahanap ng awtoridad ang nag-iwan sa fetus.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply