Fetus natagpuan sa simbahan

“PAKI-USAP po, mapabendisyunan at ipalibing sa libingan ng mga fetus, sorry hindi ko po ginusto pero makakabuti ito sa kanya, patawad,” ito ang nakasaad sa liham sa tabi ng isang fetus na natagpuan sa mismong harapan ng isang simbahan sa Paco, Maynila, kaninang umaga.

Tinatayang nasa anim hanggang pitong buwang gulang ang lalaking fetus na nakitang nakasilid sa isang plastik na nasa loob ng karton.

Nabatid sa ulat ni Det. Amelito Lopez ng Manila Police District-Homicide Section, na dakong alas-8:00 ng umaga, nang mamataan ng isang Gloria Maglibot, secretary ng simbahan ang karton na naglalaman ng nasabing fetus sa harapan ng Our Lady of Penafrancia church sa Gomez St., sa Paco.

Inakala umano ni Maglibot na naiwan lamang ang karton, at nang kanyang bulatlatin, nanlambot siya nang tumambad ang fetus kasama ang isang sulat sa tabi.

Agad na ipinagbigay-alam ni Maglibot ang nadiskubre sa opisyal ng barnagay, na siyang nag-report sa pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply