Field Training Program sagot sa krimen

NANINIWALA ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na makatutulong ang may 637 bagong pasok sa puwersa ng kapulisan na isasailalim sa Field Training Program para bumaba ang kriminalidad sa Metro Manila.

Nakatakdang sumailalim sa anim na buwang pagsasanay ang mga bagong recruit, kabilang na ang pag-aaral sa kursong Public Safety Basic Recruit Course na isa sa kailangan upang maging ganap silang maging miyembro ng kapulisan.

Binubuo naman ang bagong batch ng recruits ng 141 kababaihan at 496 na lalaki na may mga ranggong Police Officer 1 sa oras na malampasan ang mahirap na anim na buwang pagsasanay.

Sa libo-libong aplikante sa ikatlong bahagi ng recruitment ng taong 2011, tanging sila lamang ang mapalad na nakapasa bagama’t kinakailangan pa rin nilang maging bihasa sa anim na buwang pagsasailalim sa field training at basic recruit course.

Kaugnay nito’y pinayuhan din ni NCRPO chief Director Alan Purisima ang 2,350 mga pulis na binigyan ng promosyon na dapat ay sila ang magsilbing halimbawa sa kanilang mga kabaro upang ibangon ang maruming imahe ng kapulisan.

Sinabi ni Purisina na umpisa ang promosyon ng bago at mas mahirap na misyon na pagbutihin ang kanilang trabaho at pagseserbisyo sa publiko.

Dapat umanong patunayan ng mga ito na nararapat sila sa bago nilang ranggo.

Ibinigay ni Purisima ang promosyon kahapon kasabay ng pagtanggap ng 637 bagong police recruits sa NCRPO Parade Ground sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply