Fil-Estate & CAP: Always sabit

MAAARING hindi ninyo kilala ang Fil-Estate Corp. na ngayon ay delikadong hindi na makapagbukas pa uli base sa financial standing nito.

Eh ano naman ang kinalaman natin sa Fil-Estate? Eh ano kung lagi na lamang lugi ang Fil-Estate? At ano naman ang kaugnayan ng College Assurance Plan (CAP) sa Fil-Estate?

Malaki po. Ang may-ari po ng MRT (Metro Rail Transit Corp.) na may kalahating milyong pasahero araw-araw ang sumasakay dito ay ang Fil-Estate.

Kailangan nang itaas ang pamasahe sa MRT na katulad ng kanyang mother company na Fil-Estate ay lubog sa pagkalugi.

Eh ano naman ang kaugnayan ng Fil-Estate na may-ari rin ng MRT under the build-operate-transfer ng gobyerno sa CAP?

Ang mga kompanyang ito ay pag-aari ni Robert Sobrepeña.

Kayong mga mahilig sa stock market, noong araw ay milyon-milyong piso ang itinaya ng mga investor sa isang initial public offering (IPO), investment na maaaring hindi na ninyo ma-enjoy kung sakaling magsara ang Fil-Estate.

Naku, sabi ng isa kong kausap: Eh di para pala itong CAP?

Ang CAP ni Sobrepeña ang nag- himok sa mga magulang, karamihan ay mahihirap lamang katulad ng mga tindera sa palengke, na ilagay ang kanilang mga naipong pera sa CAP at pag malaki na ang mga estudyante ay magkakaroon na sila ng siguradong pambayad sa kolehiyo.

Marami ring pre-need companies ang gumawa na nito.

Matapos maningil sa mga magulang ay bigla na lang sinabing magsasara na sila. Hindi na nila nabawi ang pera nila.

Ganyan din ang CAP na under rehabilitation daw. Eh paano naman ang mga kawawang magulang, mare-rehabilitate pa ba ang kanilang kamalasan at paghihirap?

Kay raming pinasok ang grupo ni Sobrepeña sa panahon ni President Fidel V. Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo. Ngayon, ang gobyerno ni President PNoy Aquino ang namomroblema.

Katulad ng kasong Camp John Hay na pag-aari ng pamahalaan. Ang Fil-Estate kasi ang nagconvert sa Camp John Hay sa Baguio bilang isang world class resort.

Ang kaso, ang pangakong investment ng Fil-Estate ay tila nakalimutan na at ayan tuloy, hindi makasingil ang gobyerno sa Sobrepeña group.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply