Final 4 ng D-League buo na

SUMULONG sa semifinal round ang Big Chill Super Chargers nang palamigin ang Blackwater Elite, 82-62, sa nalalapit na pagtatapos ng 11-team composition ng PBA Developmental League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City, Huwebes ng gabi (Enero 19).

Mahaharap ang Big Chill sa defending champions NLEX Road Warriors sa isang Final 4 showdown sa Martes (Enero 24) habang ang Freego Jeans Makers na nilango ang Boracay Rhum, 87-63, ay makakalaban ang Cebuana Lhuillier Gems.

Labis ang kasiyahan ni Super Chargers coach Arsenio Dysangco sa ipinakitang laro nina Jessie Collado at Jewel Ponferrada na pumuntos ng 15 at 12, ayon sa pagkakasunod, tungo sa magaang na panalo.

Si coach Leo Austria ng Freego Jeans ay patuloy sa pag-eensayo sa kanyang koponan dahil sa mabigat nilang makakalaban na liyamadong Cebuana. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply