Finally magkaka-girlfriend na rin si Christian Bautista! (Bago?)

AMINADO si Christian Bautista na meron siyang napupusuan na nakasama niya sa ‘The Kitchen Musical.” Ito’y si  Carla Dunareanu, Singapore-based na model-dancer-actress na kamakailan ay may photo shoot dito sa Pilipinas at umuwi na nu’ng Sunday (Enero 22).

“We see each other,” say niya nang makatsikahan namin siya sa ASAP 2012 na ginanap sa Quirino Grand Stand nu’ng Linggo.

Nililigawan ba niya?

“Aaahhh.. parang papunta na rin dun,” aniya.

Nagkakila raw sila ni Carla sa The Kitchen Musical at isa itong Singaporean-Romanean.

Ano ang nagustuhan niya?

“Pag nag-connect kayo gaya ng sinasabi ko rati,” say pa niya.

Nagkikita raw sila time to time. Usually kasi marami siyang raket sa Indonesia. Bago pumunta run lagi siyang dumadaan ng Singapore at nagi-stop over run. Pati parents niya ay nakilala na rin ni Carla nu’ng magpunta sila sa Singapore.

Anyway, may concert sila ni Karylle sa February 29.

-0o0-

HINDI na ngayon napanonood sa pelikula at telebisyon ang isang komedyante na tubong ibang bansa. Hindi naman dahil wala nang offer sa kanya kundi dahil ayaw niya na talagang mag-artista. Yun ay dahil na-depress siya nang sirain siya sa publiko ng dati niyang live-in partner na ayon dito ay binubugbog niya nung sila’y nagsasama pa.

Napatunayan naman ng komedyante na pawang kasinungalingan lang ang paninira sa kanya ng dating karelasyon.

Inamin nito na kaya lang daw siya nito siniraan dahil nakipaghiwalay siya rito.

Ganunman, kahit vindicated, ayaw na talaga sa showbiz ni komedyante. Feeling niya kasi ay nasira na rin siya.

Marami ang nanghihinayang nang talikuran ni komedyante ang showbiz. Sumikat na kasi siya. Kabi-kabila’ng kanyang TV shows at pelikula noon.

Ang komedyante na tinutukoy namin ay mula sa bansa ng mga sakang. Gets ninyo na?

-0o0-

GRABE ang pagtanggap ng mga fans sa Korean Superstar na si Lee Min Ho. Hitsurang matinee idol ng Pinas na tinitilian bawat paglabas sa screening ng bago niyang serye sa ABS-CBN 2 na “City Hunter” na nagsimula kagabi (Enero 24).

Panalo at palong-palo ang Koreanovela na ito na may kilig, aksyon at may puso. Hanggang ending may matinding twist na mangyayari. Halos magiba ang Dolphy Theater nang maghiyawan ang mga fans ni Lee Min Ho sa kanyang shower scene na nakahubad.

Yes, sinalubong ng ABS-CBN ang Year of the Dragon sa isang maaksyong pasabog na dala ng much-awaited and biggest Korean drama, ang City Hunter. At kahit kami ay naengganyo na susubaybayan ito dahil halatang may effort at ginastusan ang mga action scenes rito.

Si Lee Min Ho na nagbabalik Philippine TV matapos ang kanyang matagumpay na seryeng “Boys Over Flowers” at “Perfect Match” sa ABS-CBN.

Katambal niya rito si Park Min Young na napapabalitang real-life girlfriend ng Korean heartthrob. Na-develop diumano ang dalawa habang ginagawa ang naturang soap.

Napapanood ang City Hunter pagkatapos ng “Pinoy Big Brother Unlinight,” sa nangungunang Primetime Bida ng ABS-CBN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply