Fishing boat tumaob sa Cagayan: 1 nawawala, 2 nakaligtas

KASALUKUYANG pinaghahanap ngayon ang nawawalang mangingisda makaraang tumaob ang isang fishing boat at suwerte naming nakaligtas ang dalawa pa nitong kasama sa Camiguin, Calayan Island, Cagayan.

Nabatid na nakaligtas ang dalawang kasamahan ni Rodrigo Cayacan na residente ng Camiguin Island noong magkaaberya ang kanilang gamit na bangka.

Lumubog ang bangka matapos hampasin ng malalakas na alon noong pumalaot ang mga biktima para mangisda.

Kaugnay nito, pinayuhan ng Coast Guard ang mga mangingisda at mga naglalayag sa karagatan na laging makinig sa mga babalang ipinapalabas ng mga otoridad para makaiwas sa trahedya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply