Fixer ng LTO utas sa pamamaril sa Pasay

PATAY ang isang kilalang “fixer” ng Land Transportation Office (LTO) nang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin na kanyang kausap sa tagong lugar malapit sa headquarters ng PNP Aviation Security Group kanina sa Pasay City.

Patay kaagad si Faustino Abadeza, Jr, 38, ng 45 Electrical Road, Pasay matapos magtamo ng tatlong tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa tinanggap na ulat ni Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Station Investigation ng Pasay police, kausap pa ng biktima ang suspek sa tagong bahagi sa kanto ng Sampaloc  St. at Road 4 pasado alas-2 ng hapon nang biglang umalingawngaw ang tatlong putok ng baril.

Ilang mga nakasaksi ang nakakita sa suspek na nagmadaling sumakay ng isang motorsiklo palayo sa lugar matapos ang pamamaril.

Huling nakita naman ang biktima ng kanyang kasamahan sa LTO na si Jack Cubilla, 55, na sinundo ng dalawang babae na lulan ng isang taxi sa Domestic Road at tumahak patungo sa direksiyon ng MIA Road.

May hinala ang pulisya na may kaugnayan sa pagiging fixer ng biktima ang krimen dahil ayon sa ilang mga nakasaksi, may ipinabasa pang isang uri ng dokumento ang suspek sa napaslang bago siya pagbabarilin.

Inaalam na ng pulisya kung may illegal na mga transaksiyon sa LTO ang biktima na posibleng naging daan upang paslangin siya ng isa sa kanyang nabiktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply