FOI bill ni PNoy tanggap sa Senado

NALUGOD si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa inaprubahang bersiyon ng Freedom of Information (FOI) bill ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na nakatakdang ihain sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Enero 16.

“Isa itong positibong hakbang para sa gobyernong Aquino,” sinabi ni Cayetano sa pahayag na ipinalabas ngayong hapon.

Ayon kay Cayetano, hindi maisasakatuparan ng administrasyong Aquino ang pinapangarap nitong transparency at accountability sa gobyerno kung walang kumpletong bersiyon ng FOI na umiiral.

“So it is my fervent hope that the debate on the Freedom of Information (FOI) bill will result in a law that will enhance transparency and accountability governance,” pahayag ni Cayetano.

Dahil dito, nanawagan si Cayetano sa kasamahan sa Senado na iprayoridad ang naturang panukala sa kabila nang mahigpit na schedule ng mga mambabatas para sa impeachment case na inihain laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Umaasa rin si Cayetano na bago matapos ang 15th Congress ay maipipresenta na ng bansa sa mundo ang sariling bersyon ng FOI law na aniya ay siyang susubok sa commitment ng pamahalaan na mag-demand ng transparency at accountability sa mga public official.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply