Football tilt idedenpensa ng UP sa season 74

HAWAK ng UP Maroons ang men’s title sa football event kaya naman uumpisahan nilang idepensa ito sa pagbubukas ng UAAP Season 74 sa darating na Enero 15 na gaganapin sa Ateneo pitch.

Sa opening day, ang host Ateneo Blue Eagles ang unang sasalto sa pakay ng Maroons na maiuwi ang pang-16 na titulo dakong alas-3:00 ng hapon.

Sasandalan ng UP si ace striker Jinggoy Valmayor, ang Rookie of the Year noong nakaraang taon na naglaro sa Azkals under-23 national squad sa 2011 Southeast Asian Games sa Indonesia noong Nobyembre.

Bago ang bangayan ng UP at Ateneo ay magsisipaan muna ang De La Salle U at University of the East sa ganap na alas-diyes, at sa ala-una ay ang bakbakan ng University of Santo Tomas at Far Eastern U.

Sa distaff side, hangad din ng FEU Lady Tams na mapanatili ang kanilang korona.

Kukuha ng lakas ang Lady Tams kay Season 73 MVP Frea Fado kung saan ay sa Enero 19 pa unang sasabak kontra Lady Eagles.

Sinuwag ng FEU ang women’s crown noong isang taon sa pamamagitan ng 1-0 victory laban sa UST Tigresses.

Samantala, sa juniors, sisimulan din ng FEU Baby Tams ang pagdepensa sa kampeyonato sa pakikipagsagupaan sa UST Tiger Cubs sa alas-otso ng umaga sa opening day, kasunod ang match sa 10:00 ng umaga ng Ateneo at La Salle-Zobel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply