Forest cover ng ARMM panipis nang panipis

DAHIL sa walang habas na pamumutol ng punong kahoy, umaabot na lamang sa 8% ang natitirang forest cover sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ito ang  kinumpirma ni Energy and Natural Resources (DENR) ARMM Secretary Kahal Jack Kidteg sa ginawang pagsusuri sa kabundukan sa naturang lugar.

Ang pagkakakalbo ng kabundukan ay bunga ng walang habas na pamumutol ng mga kahoy sa kagubatan at kabundukan ng illegal loggers.

Sa ngayon ay tinututukan ng DENR ang naging kautusan ni PNoy at ARMM OIC Governor Mujiv Hataman na mahigpit na ipatupad ang total log ban sa rehiyon, ipatupad ang moratorium sa pamumutol ng kahoy  at magkaroon ng inventory sa lahat ng planted specie.

Matatandaang isinisisi sa illegal logging operation sa ARMM ang delubyong sinapit ng mga residente ng Iligan at Cagayan de Oro City noong nakaraang Disyembre dulot na rin ng bagyong Sendong.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply