Frat member binoga sa ulo

BINOGA sa ulo ang isang 19-anyos na miyembro ng Magic 5 fraternity ng dalawang  ‘di nakilalang suspek habang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan kaninang madaling-araw sa Binondo, Maynila.

Dead on arrival sa Gat. Andres Bonifacio Medical Center (GABMC) ang biktimang si Mark Brian Balassolla ng 72 San Miguel st. Binondo, Maynila.

Sa imbestiagsyon ni SPO1 Charles John Duran ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong 1:10 ng madaling-araw sa may harap ng San Miguel Ice Plant sa San Miguel st. Binondo, Maynila.

Base sa pahayag ng mga kaibigang sina Josua Payanay, 17, at Maria May Tangpuz, 19, magkakatabi umano silang tatlo ng biktima na nagkukuwnetuhan nang biglang sumulpot ang dalawang ‘di nakilalang suspek na nakasuot ng bonnet at ball cap sa kanang bahagi ng biktima.

Agad umanong tinutukan ng baril ang biktima sa kanyang kanang sentido ng nakabonet na suspek at saka pinutukan.

Hindi pa nakuntento ang mga suspek at muling binaril ang biktima ng nakasuot ng ball cap bago tuluyang tumakas patungo sa direksiyon ng Delpan Bridge sa Binondo, Maynila.

Patuloy naman na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang motibo ng krimen. Tinitingnan na anggulo ng pulisya kung ito ay may kinalaman sa frat war.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Yvan Funeral Homes para sa awtopsiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply