Freego Jeans nasukbit ang twice to beat incentive sa QFinals

NAGING instrumento si Alex Nuyles ng Freego Jeans tungo sa pagtahi ng twice-to-beat incentive kasunod sa pagtatahimik sa RNW Pacific Pipes sa iskor na 93-55 sa PBA D-League Aspirants Cup na ginanap sa Cuneta Astrodome kahapon (Enero 9).

Itinumpok ni Nuyles ang 17 puntos sa 52 percent average conversion sa pag-abante ng 20 points (42-28) sa unang dalawang quarter. Nagdagdag naman si Lester Alvarez ng 13 bukod sa 10 assists habang si Nuyles ay kinuha ang kanyang 25 assists.

Sa bakbakan ng Cobra Energy Drink at ng Blackwater Elite ibinaon ng tropa ni coach Jerry Codiñera ang Elite sa iskor na 72-63.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply