Gabinete ni PNoy ‘di takot isapubliko ang kanilang SALN

HINDI natatakot ang mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na isapubliko ang kanilang statement of assets and liabilities and net Worth (SALN).

Ang katuwiran ni Presidential spokesman Edwin Lacierda ay public documents ang kanilang SALN.

Kaya ani Lacierda, walaang dahilan para ikasa nila ang gag order sa aspetong ito.

Sa kabilang dako, hiniling naman ni Sen. Gringo Honasan sa kampo ng prosekusyon, depensa maging sa Palasyo ng Malakanyang na tigilan na ang bangayan kaugnay ng impeachment case ni Chief Justice Renato Corona.

Natatakot si Honasan na lalo pang magatungan ang tensyon sa relasyon ng ehekutibo at hudikatura sa patuloy na patutsadahan sa media.

Hinikayat naman ni Honasan ang magkabilang panig na para sa public interest, dapat tumahimik muna ang mga partido sa impeachment trial at hintayin ang pormal na pagdinig ng impeachment court.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang mga expose ng prosekusyon kaugnay ng mga inilabas nitong ebidensya sa umano’y kuwestyunableng ari-arian ni Corona.

At bilang ganti, pinako-contempt naman ni Corona ang prosecution team dahil sa umano’y walang respeto sa impeachment court.

Inakusahan din ng abogado ni Corona si Pangulong Aquino na kinakausap nito ang senator-judges laban sa kaso ng Punong Mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply