Gail Bautista, asawa sumailalim sa preliminary investigation kaugnay sa Ramgen case

SUMAILALIM na sa paunang imbestigasyon ang mag-asawang sina Hiro Furuyama at Maria Ragelyn Gail Bautista-Furuyama kaugnay sa kaso ng pagpatay sa aktor na si Ramgen Revilla.

Nadawit and dalawa sa kaso dahil malapit umano sila sa isa pang suspek na si Ryan Pastrana na siyang kumuha umano ng mga hired killer para patayin si Ramgen.

Si Gail umano ang tinawagan ng kapatid at isa pang suspek na si Ramona Bautista noong araw na mabaril ang aktor.

Sumalang ang dalawa sa preliminary investigation na isinagawa ni Fiscal Lea Roma sa Parañaque Regional Trial Court (RTC).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply