Garcillano kinasuhan na ng perjury, falsification

ISINAMPA na ang kasong perjury at falsification of public documents sa Ombudsman laban kay dating Commission on Election (COMELEC) Commissioner Virgilio “Garci” Garcillano.

Nag-ugat ito sa ibinigay na sworn statement sa Kamara na nag-iimbestiga sa anomalya sa 2004 elections na mas sa “Hello Garci” scandal.

Sinabi ni Casiño na bahagi ng kanilang tungkulin at isinusulong ay ang hustisya at accountability.

Aniya, dapat makasuhan ang mga kasabwat ni dating pangulong Gloria Arroyo kabilang na sina dating heneral Jovito Palparan, Mendoza, Benjamin Abalos, SC Chief Justice Renato Corona, at Garci.

Nag-ugat ang kaso sa ginawang pagdinig noong 2005 noong House Committee on Public Information, Public Order and Safety, National Defense and Security, Information Communications Technology, at Suffrage and Electoral Reforms.

Sa nasabing pagdinig, sinabi ni Casino na nagsinungaling ni Garci nang sinabi nitong hindi siya nagpunta ng Singapore at nagpresenta ng pekeng pasaporte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply