Gas rationing inihahanda na ng pamahalaan

PINAGHAHANDAAN na ng pamahalaan ang posibleng pagrarasyon ng mga produktong petrolyo sakaling magkaroon ng ipitan ng langis dahil sa tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.

Nabatid na 80 porsyento ng suplay ng langis ng Pilipinas ay dumadaan sa Strait of Hormuz, ang dagat na pinagpapraktisan ng missile ng Iran.

Sakali umanong matutuloy ang rasyon, prayoridad ang mga emergency vehicle ng mga ospital at pulisya gayundin ang mga pampublikong sasakyan.

Nag-abiso na ang mga kumpanya ng langis na tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na araw.

Halos P2.00 ang itataas sa kada litro ng gasolina habang mahigit P1.50 naman sa diesel.

Dahil dito, humirit na ang mga transport group na dagdagan ng P0.50 ang P8.00 na minimum na pasahe sa pampasaherong jeep.

Para naman sa ilang transport leaders, mabagal ang mga programang tutulong sana sa mga tsuper at operator.

Ayon kina Rolando Marquez, presidente ng Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP), at Boy Vargas, presidente ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), nabalewala ang lahat ng kanilang napag-usapan ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa Malakanyang.

Humingi naman ng paumanhin si Energy Undersecretary Jay Layug dahil sa pagkaantala ng programa pero iginiit nito na naniniguro lang ang gobyerno na maayos ang mga proyekto.

Samantala, bababa naman ng P0.05 kada kilowatt hour (kWh) ang singil sa kuryente ngayong buwan. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply