Gastos ng nat’l museum hindi na lilimitahan

APRUB na sa Kongreso sa ikalawang pagbasa ang panukalang papayagan ang National Museum na gamitin ang kanilang kinikita para patustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Ayon kay Rep. Rodolfo Biazon (Lone District, Muntinlupa), pinapayagan ng panukala na gamitin ng National Museum ang kanilang kinikita pero hindi dapat lumampas sa P5 milyon kada taon, na galing sa proceeds of sale, reproduction, cultural items, publications, creation, restoration, conservation, identification at earnings mula sa planetarium programs, entrance fees at iba pang auxiliary services.

“Sa kasalukuyang umiiral na batas, pinapayagan ang museum na gumastos lamang ng P2 milyon kada taon. Limitado ang paggamit nila para sa maintenance at iba pang auxiliary expenses,” wika ni Biazon.

Ayon kay Biazon, layunin din ng panukala na amiyendahan ang charter ng National Museum para maitaas ang halaga na dapat nilang gamitin bilang revolving fund, mula sa P2 milyon ito ay gagawing P5 milyon.

Gagamitin ang revolving fund para sa upgrading at modernization ng communication at transportation facilities; repair and rehabilitation ng structure at facilities ng mga tanggapan, koleksyon at acquisitions; updating of its insurance payments; increasing the level of security it currently employs; and funding of expenses incurred in the reproduction/acquisition of cultural items, publications, creations, restoration and construction programs, planetarium programs and other auxiliary activities.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply