Gatdula hiniling sa korte na palawigin pa ang TRO vs prelim investigation

HUMARAP kaninang umaga sa Manila Regional Trial Court (MRTC) si dating National Bureau of Investigation (NBI) director Magtanggol Gatdula upang hilingin sa korte na palawigin pa ang inilabas nitong temporary restraining order (TRO), laban sa pagsasagawa ng Department of Justice (DOJ) ng preliminary investigation sa isinampang kasong kidnapping with extortion.

Kasama ni Gatdula ang asawa at ang abogado nito na si Atty. Abraham Espejo, sa sala ni Manila RTC Branch 8 Judge Felixberto Olalia, sa isinagawang hearing para sa extension ng TRO nito.

Matatandaan na nagpalabas si Manila RTC Branch 22 Executive Judge Marino De La Cruz Jr., ng 72-hour TRO para kay Gatdula noong Biyernes (Enero 27).

“Kami ay nag-argue sa korte para hingin ang extension ng 72-hour temporary restraining order. Sa  aming palagy nasa panganib si Director Gatdula to be prosecuted despite violations sa kanyang civil rights as a result of what we believe was a railroaded recommendation of the DOJ,” ayon kay Atty. Abraham Espejo.

Sa naganap na hearing kahapon na tumagal ng halos isang oras, hiniling ni Gatdula ang extension sa TRO dahil kailangan umano ng mahaba-habang panahon upang makapagprisinta ng mga ebidensya at mga testigo sa kaso kaugnay sa umano’y pagdukot sa Japanese National na si Noriyo Ohara.

Giit pa nito na nilabag umano ang karapatan ni Gatdula na right to due process, right against self-incrimination, right to counsel at right to silence nang imbitahan ito bilang “resource person” sa isinasagawang imbestigasyon.

“What is at stake here is the petitioner’s constitutional rights,” ayon pa kay Espejo.

Nagtungo umano si Gatdula “in good faith” sa pag-aakalang resource person lamang siya sa kasong ito at laking gulat na lamang nito na kasama na siya (Gatdula) sa preliminary investigation ng DOJ panel.

Samantala, binigyan naman ng korte ng sampung araw ang Office of the Solicitor General (OSG) upang magkomento sa mosyon ni Gatdula.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply