Gatdula: Lilinisin ko ang pangalan ko

LILINISIN ko pangalan ko. I will fight back legally.”

Ito ang mariing paninindigan  ni dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula matapos masangkot sa P15 milyong extortion case sa isang Haponesa.

Ayon kay Gatdula, hindi umano nito inaasahan ang naging desisyon ng fact finding panel ng Department of Justice na siya ay pakasuhan at tuluyang irekomenda para sa kanyang pagkakatalsik sa kanyang puwesto sa ahensya.

Anang direktor, matagal niyang iningatan ang kanyang pangalan at kailanman ay hindi niya agagawang mangikil gaya ng inaakusa sa kanya.

“Wala akong ginawang kasalanan. Lumabas ako sa pagka-pulis na malinis ang pangalan tapos pagpunta mo rito, ‘yung aking supposed to be buhay na mag-i-enjoy ako binuhos ko na rito.  Hiwalay ako sa mga anak ko sa Amerika. Makikita mo ako every Saturday andon ako sa bureau,” ayon pa kay Gatdula.

Kaugnany nito, inamin naman ng direktor na  wala itong sama ng loob kay Pangulong Benigno Aquino at maging kay Justice Secretary Leila de Lima ngunit pinuna nito ang ginawang fact finding panel ng DOJ na sinasabing mas pinaniwalaan ang testimonya ni Special Investigator Jose Odellon Cabillen para siya ay madiin sa extortion case sa isang Japanese national. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply