Geological assessment sa Compostela Valley ikakasa ng DENR

MAGSASAGAWA ng geological assessment ang mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Pantukan Compostela Valley.

Pagkatapos ng naganap na lanslide, agad na nagpapunta si Environment Secretary Ramon Paje ng mga tauhan sa Pantukan, Compostela Valley para magkasa ng geological assessment.

Layunin nito, ani Paje na na masuri ang lugar para sa kaligtasan na rin ng mga magsasagawa ng rescue at maiwasang malagay din sila sa kapahamakan o sila rin ay matabunan.

Ayon pa kay Paje, aabutin ng limang oras bago marating ng kanyang mga tauhan ang lugar dahil halos walang kalye roon at trails lamang ang dinaraanan.

Sa harap nito, inihayag ni Paje na Disyembre 2010 pa nang kanilang ibinabala ang posibleng pagbigay ng lupa sa nasabing kabundukan bunsod ng mga small-scale mining pero nagbabalikan pa rin aniya ang mga inililikas na residente dahil na rin sa kanilang kabuhayan.

Sinabi pa ni Paje, na una na niyang ipinag-utos na huwag nang magbigay ng Environmental Compliance Certificate (ECC) para sa mga small-scale mining pero kinuwestyon aniya ito ng mga lokal na pamahalaan.

Plano rin ng DENR katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na magkaroon ng geo-hazzard summit para seryosohin ng mga local government unit (LGU) ang mga hawak nilang geo-hazzard map at sundin ang ipinag-uutos na paglilikas sa mga residenteng nasa mga delikadong lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply