Ginang na may sayad hinalay ng tindero

SWAK sa kulungan ang isang manyakis na vendor makaraang gahasain nito ang isang 43-anyos na ginang na may kapansanan sa pag-iisip sa Northbay Boulevard South Navotas City kahapon (Enero 25).

Nakakulong sa detencion cell ng Navotas police at nahaharap sa kasong rape si Gobito Barro, 38, may-asawa at residente ng Evacuation Center Phase 2, Area 2, Brgy. NBBS ng nasabing lungsod

Ayon sa ulat ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas police dakong alas-2:00 ng hapon nang maganap ang panghahalay sa loob ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Nabatid sa saksing si Jun-jun, hindi tunay na pangalan, inutusan siya ng kanyang tiyahin na silipin sa kanyang kinahihigaan ang biktimang itinago sa panglang Juvy.

Dito, naaktuhan ng saksi ang suspek na itinaas ang damit ng biktima at tinanggal ang suot nitong adult diaper saka naghubad din si Barro at isinakatuparan nito ang makamundong pagnanasa sa biktima.

Agad namang humingi ng tulong si Jun-jun sa kanyang mga kamag-anak na naging dahilan ng pagkakadakip kay Barro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply