Ginang natangayan ng sasakyan sa Maynila

SAPILITANG tinangay ng mga armadong lalaki ang sasakyan ng isang 33-anyos na ginang, matapos tutukan ng baril sa Sta. Mesa, Maynila, Huwebes ng madaling araw.

Dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-Anti Carnapping and Hijacking Unit (ANCAH) ang biktimang si Daryl Yocur ng Lacson St., Sta Cruz, Maynila.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Santol St., sa Sta Mesa.

Batay sa salaysay ng biktima, ipinarada nito ang kanyang kulay itim na Toyota Hi-Lux pick up (NIG 771) at pumasok sa 7-Eleven convenience store upanag bumili ng makakain.

Pabalik na ang biktima sa sasakyan nang tutukan siya ng kalibre .45 baril ng hindi nakilalang lalaki at puwersahang kinuha ang susi at tinangay ang sasakyan.

Sa datos ng pulisya, mas laganap ngayon ang carnapping.

Dahil dito, mas paiigtingin pa ng awtoridad ang manhunt operation para maresolbahan ang lumalalang kaso ng carnapping sa Maynila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply