Ginang natusta sa lumiyab na lampara

INOOBSERBAHAN pa rin sa NMMC Hospital ang isang ginang, matapos masunog ang tiyan sa sumiklab na lampara sa Misamis Oriental.

Kinilala ang biktima na si Estrelia Emelio, 64, ng Barangay Natomulan Tagoloan, nasabing lalawigan.

Nalaman na matutulog na sana ang  biktima  kaya nilagay nito ang lampara sa altar, ngunit nadaanan ng daga na siyang dahilan ng pagkahulog nito sa kanyang katawan.

Dahil sa nangyari, nasunog ang tiyan ng biktima, at patuloy pa ngayong ginagamot sa ospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply