GMA inabandona na ng mga abogado

INABANDONA na umano ng mga abogado ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang paghawak sa kasong electoral sabotage na dinidinig sa Pasay City Regional Trial Court (RTC)

Sa kabila nito, binigyan linaw naman ni Atty. Laurence Arroyo na hindi nangangahulugan na ganap nga nilang iniwan ang kanilang kliyente dahil ito umano ay utos mismo ng dating Pangulo sa kanyang mga legal team upang mapagtuunan ang tatlong kasong kinakaharap ni Gng. Arroyo sa Sandiganbayan.

Dahil dito, hindi na haharap bilang depensa ang mag-aamang Atty. Jose, Atty. Jonathan Flaminiano, Atty. Allan Dueñas at Laurence Arroyo.

Tanging si Atty. Benjamin Santos na lamang umano ang mananatiling taga-depensa sa kasong dinidinig sa Pasay City RTC pati na ang inihaing motion to recall warrant of arrest dahil hindi umano sila nabigyan ng kopya ng ebidensya ng taga-usig kaugnay sa kasong nagdidiin kay Ginang Arroyo.

Sa panig naman ng prosecution, nagsumite na umano sila ng mga dokumento at pinaninindigan nilang may kinalaman sa dayaan si Gng. Arroyo sa nakalipas na 2007 senatorial elections.

Kaugnay nito, pinagsusumite na ng kumento ang panig ng prosecution sa Huwebes habang sa Biyernes naman ang panig ng depensa at pagkaraan nito ay ang sabayan nilang paghahain ng memorandum para sa ilalabas na resolusyon ni Pasay City RTC Branch 112 Judge Jesus Mupas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply