GMA muling sasailalim sa operasyon

MULING isasailalim sa maselang operasyon sa kanyang gulugod si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Ang ulat ay kinumpirma ngayon nina Ma. Elena Bautista-Horn at House Senior Deputy Minority Leader Danilo Suarez at kasalukuyang nakikipag-ugnayan na ngayon si Mrs. Arroyo sa ilang mga doktor sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Nakausap umano ng dating Pangulo ang consultant sa VMMC at kamag-anak na si Dr. Antonio Sison at inirekomendang sumailalim sa maselang operasyon si Arroyo.

Sinabi ni Horn na hindi raw nagugustuhan ni Dr. Sison ang nangyayari kay Ginang Arroyo at ipinag-utos nito ang paglagay ng mas matibay na neck brace.

Kung maalala, tatlong beses na sumailalim sa operasyon sa gulugod ang dating Pangulo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply