GMA nakagawa pa ng libro kahit naka-hospital arrest

ISANG libro ang ilalabas ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kahit ito ay naka-hospital arrest.

Sa kanyang ipinadalang imbitasyon sa mga mamamahayag, ilulunsad ang libro tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas sa Biyernes (Enero 13), dakong 10:00 ng umaga sa Manila Hotel.

Sinabi ni Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ni Ginang Arroyo na ginawa nito ang libro habang nagpapagaling sa sunod-sunod na operasyon sa kanyang gulugod noong nakaraang taon.

Subalit dahil sa pananatili ng dating Pangulo sa Veterans Memorial Meedical Center (VMMC) ay hindi ito makadadalo sa paglulunsad at sa halip ay si Gonzalo Jurado, professor ni Arroyo sa University of the Philippines (UP) ang siyang magpipresenta ng libro.

Si Gng. Arroyo ay kumuha ng doctorate degree in economy sa UP school of Economics at kasalukuyang naka-hospital arrest sa VMMC dahil sa kasong poll sabotage at graft charges sa Sandiganbayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply