GMA, PCSO ex-official pinakakasuhan ng Blue Ribbon

KASONG plunder at malversation of funds ang inirekomenda ng Senate blue ribbon committee laban kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo at dating mga opisyal ng  Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ito ang nakapaloob sa committee report ng Blue Ribbon sa pamumuno ni Senador Teofisto Guingona na kung saan ay pinaubaya na nila sa office of the Ombudsman ang kaukulang imbestigasyon at aksyon sa naging findings na iregularidad sa pagpapalabas ng pondo ng PCSO.

Partikular na tinukoy sa 124 pahinang ulat ng komite si GMA at dating PCSO vice chairman and general manager Rosario Uriarte na kasuhan ng plunder at malversation sa paggamit ng confidential/intelligence funds para sa blood money at pamimili ng relief goods.

Gayundin ang hindi maipaliwanag na yaman ni Uriarte na nagkakahalaga ng P244.5 milyon.

Dahil dito, inirekomenda ng komite na  bawasan ang confidential/intelligence fund allocation ng PCSO na kung saan ay hindi tataas sa P15 million  kada-taon sa loob ng tatlong taon.

Bukod kina Arroyo at Uriarte, kinasuhan din si PCSO PR Manager Manuel Garcia sa kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa sobrang paggastos sa public relations at advertising.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply