Gomez nakisalo sa ikalawang puwesto sa 4th Chennai Open

NAKISALO si reigning Southeast Asian Games silver medalist Grandmaster John Paul Gomez sa second hanggang sixth place sa pagtatapos ng 4th Chennai Open 2012 International Grandmaster Chess Tournament na ginanap sa Multipurpose Indoor Stadium, Periamet, Chennai, India kahapon (Enero 12).

Pinisak ni Gomez si Ma Qun ng China matapos ang 41 moves ng French Defense tangan ang itim na piysa tungo sa total 8.5 points mula sa 8 wins, 2 loses at draw sa eleven outings.

Lumanding si Gomez sa pang-apat na puwesto matapos ipatupad ang tie-break points kung saan si top seeded at super GM Aleksej Aleksandrov (Elo 2612) ng Belarus ang tinanghal na second place.

Si Ruiyuan Yu (Elo 2491) ng China na nauwi sa draw ang laban kontra kay GM Marat Dzhumaev (2481) ng Uzbekistan ang nag-kampeon matapos ilista ang 9.0 points.

Bukod kina Aleksej, Gomez at Marat ang ibang may 8.5 puntos ay sina IM Kore Akshayraj ng India at super GM Martyn Kravtsiv (Elo 2602) ng Ukraine.

Sa ibang resulta, nakipaghatian ng puntos si GM Oliver Barbosa kontra kay Aleksandrov sa 51 moves ng Nimzo Indian Defense habang binigo nina GM Mark Paragua at GM Richard Bitoo sina IM Praveen Kumar ng India sa 51 moves ng French defense at Phoobalan P ng India sa 50 moves ng Center Game ayon sa pagkakasunod.

Tumapos si Barbosa na may 8.0 points habang kapwa nakapagtumpok naman sina Bitoon at Paragua ng 7.5 points. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply