Gov’t officials oobligahin magpasa ng SALN

OOBLIGAHIN na ang lahat ng opisyal ng pamahalaan kabilang na ang mga nasa hudikatura na magsumite at isa-publiko ang kanilang statement of assets liabilities at networth (SALN).

Ito ay kapag naisabatas na ang panukala ni Camarines Sur Rep. Salvio Fortuno na naghain ng  House Bill 5694 kung saan obligado ang mga tauhan at opisyal ng gobyerno na maghain ng kanilang SALN at walang ilalatag na kondisyon.

Sa ilalim ng panukala, ang SALN ay isususmite hindi sa mga tanggapan ng kanilang mga departamento kundi sa Office of the Ombudsman at Civil Service Commission.

Bagama’t may umiiral na aniyang batas sa paglalabas ng SALN sa ilalim ng Republic Act 6713, mahirap pa ring mailabas ang SALN partikular na sa Korte Suprema dahil sa umiiral na circular.

Sinabi pa ni Fortun na malinaw aniyang labag sa batas ang ginawa ng Supreme Court nang maglabas ng circular at hindi nasunod ang hinihinging transparency na ginagarantiyahan ng saligang batas.

Maging si Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo ay nanawagan na rin na dapat ng maglabas ng SALN ang president ng Pilipinas, ang bise presidente, miyembro ng gabinete, mga kongresista, senador, mahistrado, mga opisyal ng constitutional commissions at Armed Forces of the Philippines.

Dapat aniyang isumite ang kanilang SALN sa Office of the Ombudsman and Civil Service Commission at panahon na rin umano upang ang SALN ay dapat mai-post sa websites o official gazette ng kani-kanilang tanggapan.

“The absence of a provision for their public disclosure denies the public the access to those SALN, which violates their essence as public documents that belong to the public domain. This absence is the bone of contention,” ayon kay Castelo.

Ang kawalan aniya ng mekanismo ang siyang dahilan kung bakit nagagawa ng Korte Suprema na huwag maglabas ng SALN ng mga mahistrado sa nagdaang mga taon. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply