Grabeng trapik, palpak na GSIS E-card at pensyon

LINGGO, Enero 1, 2012, kauna-unahang unang araw ng taon.

Ang ganda ng kalsada. Walang trapik. Lalo na sa umaga.

Amoy pulbura nga lang ang paligid.

Tingnan ninyo, dahil sa usok din mula sa paputok, may mga hindi naka-landing na eroplano sa Ninoy Aquino International Airport at pinalapag ang mga ito sa Diosdado Macapagal International Airport sa Pampanga. Meron ding ‘di nakalipad.

TRAPIK ULIT

Kinabukasan, balik normal ang buhay kalsada dahil ibinalik na ang number coding.

Bumalik na rin sa lansangan ang mahigit sa 20 milyong estudyante.

Back to normal na rin ang buhay. Katakot-takot na trapik ulit ang ating hinaharap.

Pero nahaharap tayo sa abnormal na trapik, lalo na sa Metro Manila.

PIYESTA AT MGA PROYEKTO

Lilikhain ang abnormal na trapik ng mga proyektong imprastraktura at mga piyesta.

Sa proyekto, mararanasan natin ang mga paghuhukay, paggigiba, salansan ng mga makinarya sa mga proyekto. Nakaamba naman ang mga prusisyon para sa mga piyesta.

Ngayon, nasaan ang mga paghahanda ng mga awtoridad laban sa trapik?

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

CALLBOY, CALL GIRL SA ISETAN

Isetann Recto, naging pugad na ng mga callboy at call girl. +63949758….

TULONG SA RELOCATEES

Nananawagan po ako sa mga lugar na pinanggalingan namin: Quezon City, Manila at Navotas. Pakitulungan po ninyo kaming mga relocatee sa Towerville 6, Brgy. Gaya-Gaya, San Jose del Monte, Bulacan.

Sobra ang laki ng problema namin sa basura. Hindi po kami kayang suportahan ng 100% ng City of San Jose at barangay dahil hindi kami kasama sa kanilang mga budget para sa 2011. Sumusuporta naman po sila kaso kulang pa rin dahil sa dami namin. Isa po ako sa mga opisyal ng Solid Waste Committee at sumasakit na po ang ulo namin ng Chairman ng Committee kung paano masosolusyunan ito.

Huwag n’iyo sana kaming igaya sa basura na basta itinapon na lang. Rodel Navelgas. +63908265….

DRUG TEST SA RIZAL

Ipa-drug test ninyo ang mga kabataan dito sa Pugad Kaligayahan, Pila-Pila, Binangonan, Rizal. Hindi  kayo masi-zero. Pugad na ito ng mga pusher at addict.

Pakilagyan po sana ng ilaw dito ang mga poste para tumigil na ang mga addict.

Napakadilim po kasi. Paging Mayor Jun Ynarez , aksyunan naman po ninyo ito. +63905732….

PENSYON SA C. AGUINALDO

Gud pm, sir. Humihingi po ako ng tulong sa inyo. May pera po ako rito sa Finance Center, Camp Aguinaldo dahil under paid po ako. Nag-follow up ako noong December.

NAG-NEW YEAR NA, WALA PA RIN

Sabi nila ibibigay nila nitong December ngunit hanggang ngayon wala pa rin. Halos wala na akong pamasahe at pagkain at hindi man lang sila maawa sa tao. Umaasa akong matutulungan ninyo ako. Si Alice po ako. +63939858….

TRAINEE WALANG MAPASUKAN

Magandang hapon po, Sir Benny. Si Mrs. Benavidez po ako. Gusto ko sanang ireklamo ang Carebest Agency. Pagkatapos po ng 15 days na libreng training, wala naman silang paglagyan ng mga trainee. +63910874….

PAGBATI SA KAIBIGAN

Good morning po. Gusto ko lang pong bumati sa inyo. Nais ko ring bumati sa aking mga kaibigan na sina Juliet Tilap na taga-Cagayan. +63949770….

PALPAK NA WATER COOP

Pakikalampag naman po ang Water Cooperative rito sa Pila-Pila, Binagonan, Rizal. Pupugak-pugak ang daloy ng tubig. Kulang na nga ang kanilang serbisyo, mga tamad at mayayabang pa sila. Dapat silang palitan lahat. +63905732….

GSIS E-CARD HINDI MA-AVAIL

Good day po. Meron po akong tanong ukol sa temporary e-card na bigay ng GSIS dito sa Cagayan de Oro para sa calamity loan. Ang siste, ‘di namin ma-avail.

Pakitulungan niyo po kami. Pahirapan po talaga ang pagkuha sa emergency loan na ito. Pupunta kami sa over the counter window sa GSIS at magtatanong. Ipapasa kami sa E-card office, tapos sasabihing maghintay. Two hours na wala pa rin. Salamat. Lito ng DepEd-CDO, Misamis Oriental. +63905818….

MAYOR NA WALANG TALO

Ang mayor namin sa Cagayan de Oro, walang katalo-talo. From governor, naging mayor at pagbalik, vice mayor naman. At ngayon, mayor naman, naguguluhan kami. Bakit hindi siya matalo-talo? May kinalaman kaya ang Comelec para manalo ito. Wala naman daw siyang pera sa bangko. Iisa lang naman ang kanyang bahay at wala rin siyang negosyo. +63905306….

HINDI TAMANG PASAHOD

Sir Benny, sana po magbigay ng night differential at minimum na sahod ang Samuel One Building dito sa Honda St., Makati. Wala rin po silang legal holidays. Pakibigyan po sila ng ultimatum. Kawawa naman po kaming mga trabahador. Pagkuha namin ng pay slip, nakadidismaya dahil hindi nila natutumbasan ng tamang sahod ang hirap ng mga empleyado. +63920260….

DAGDAG-SAHOD NAWAWALA

Sir good pm po. Security guard po ako ng Premium Security Agency sa Makati. Pakipuna naman po ang  aming agency kasi di pa nila ibinibigay ang aming dagdag na suweldo nang nasa Mapa pa kami. Huwag po ninyong ilabas ang cellphone number ko. +63927806….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply